Camp Claudio Elementary School, Kaisa sa Pagbubukas ng Buwan ng Wika 2025
Tema: “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa”
August 04, 2025
Sulat ni: Ma. Jenelie R. Patricio | Teacher I
Aktibong nakilahok ang Camp Claudio Elementary School sa opisyal na pagbubukas ng Buwan ng Wika 2025 na may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.”
Sa temang ito, binibigyang-diin ang mahalagang papel ng wikang Filipino at ng mga katutubong wika sa pagbubuklod ng sambayanang Pilipino. Itinatampok dito ang wika bilang hindi lamang kasangkapan sa komunikasyon, kundi bilang salamin ng ating kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan.
Sa pamamagitan ng mga inihandang aktibidad, layunin ng paaralan na hikayatin ang mga mag-aaral na higit pang pahalagahan, ipagmalaki, at gamitin ang sariling wika sa pang-araw-araw na buhay.
Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng paaralan sa pangunguna ni Dr. Sharon P. Revuelta, MT II/OIC – Punongguro, at ni Gng. Marjorie T. Orosco, Gurong Tagapag-ugnay sa Filipino, sa lahat ng guro, kawani, magulang, at mag-aaral na naging bahagi ng matagumpay na pagbubukas ng selebrasyon.
Nawa’y magsilbing inspirasyon ang buong buwan ng pagdiriwang na ito para sa mas masigasig na pagtataguyod ng wikang Filipino at mga katutubong wika tungo sa pambansang pagkakaisa at pag-unlad.